Tabinas, Jason.

Ang mga iniwan ng tubig : mga tula / Jason Tabinas. - Quezon City : Bughaw, c2020. - viii, 136 pages : 23 cm.

Includes acknowledgement and about authors ; Text written in Filipino.

Nakasandig ang mga tula ni Jason Tabinas sa pagbabanyuhay ng malahunyangong panahon sa isang tropikal na bayang sa pakiwari ko’y ang banwa ng Bula, sa Camarines Sur, isang matandang sityo, isang kulob na bayan na ngayo’y mahinahong itinatanghal ng makatang si Tabinas. Sa unang koleksyong ito, mahihiwatigan ang mga sinakong agam-agam, mga tinipong pangambang dala ng literal na ulan, o unos, o ng tahob, o ang kawalan nito, ang nagbibitak-bitak na lupang parang mga nakalatag na sapot-bahay ng gagamba, mga simtomas ng temporalidad na siyang laging pinakikibagayan ng makatang tiim-bagang nakatanod sa parang, nag-aabang ng sunod na taya, o ng pagtubo ng punla, o ng pagdating ng sunod na pinsala.

9789715509534


FILIPINO POETRY.

PL 6058.6 .T33 2020